Home NATIONWIDE PBBM nakipagpulong sa mga presidential scholars: edukasyon, pinakamahalagang bagay na maibibigay sa...

PBBM nakipagpulong sa mga presidential scholars: edukasyon, pinakamahalagang bagay na maibibigay sa mga kabataan

3
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng edukasyon, sabay sabing ito ang “most important service” ng gobyerno na maaaring ibigay sa mga kabataan.

“Ang aking prinsipyo na ang edukasyon ay hindi ito pribilehiyo. Ang edukasyon ay karapatan ng ating mga kabataan, at importanteng importante na mag pa-training tayo, mapaganda natin ang training ng ating mga kabataan,” ayon sa Pangulo.

Sinabi ito Pangulo nang makapulong niya ang presidential scholars na suportado ng Socio-Civic Projects Fund sa isinagawang Bawat Bayan Makikinabang: Sulu program sa Sultan Jamalul Kiram Central School sa Barangay Lawm.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga estudyante na kahit na anuman ang mangyari sa kanilang buhay, ang karunungan na kanilang natamo ay hinding-hindi malulusaw.

“Hindi malulusaw ‘yan. Hindi pwedeng nakawin ‘yan. Hindi pwedeng agawin ‘yan. Nasa inyo na ‘yan, at araw-araw maaalala ninyo na ito pala ay napakalaking tulong para sa ating mga kabuhayan,” anito.

“Para mas maganda ang opportunities na dadating sa inyo. Kagaya ng sabi ko, mapapaganda ang buhay ninyo, pamilya ninyo, community ninyo, and in that way, ‘yung buong Pilipinas,” aniya pa rin.

Tinuran pa ng Pangulo na naglaan ang gobyerno ng P200,000 sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund sa bawat barangay sa buong bansa.

Aniya, hiniling niya na ang P100,000 ay ilaan para sa scholarships ng limang iskolar.

“Sabi ko mamili kayo sa bawat barangay, mamili kayo ng lima. Bibigyan natin ng P100,000, tig P20,000 lahat para may lima ang bawat barangay,” ang winika ng Pangulo.

“Ang sabi nga namin basta mamili kayo, as much as possible, ‘yung malapit na magtapos pero baka hindi matapos dahil for whatever reason, dahil walang pangbayad, nahirapan mag trabaho… para naman ‘yung mga malapit na magka diploma ay matulungan natin,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here