Home METRO Senior citizen nakuhanan ng 3 baril sa raid sa Cavite – CIDG

Senior citizen nakuhanan ng 3 baril sa raid sa Cavite – CIDG

36
0

CAVITE, Philippines – Naghihimas ngayon rehas na bakal ang isang isang 60-anyos na lalaki matapos makuhanan ng tatlong umano’y hindi lisensyadong baril sa isinagawang operasyon ng  Cavite Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Pasong Kawayan 1, General Trias City, Cavite.

Sa report mula sa tanggapan ni PLTCOL Mark Jayson Gatdula, hepe ng Cavite CIDG, bandang alas-4:12 ng hapon ng ihain ngCIDG Provincial Field Unit ang  search warrant kay alyas  “Tony” ang suspek na nadakip matapos ipatupad ng CIDG Cavite Provincial Field Unit.

Nakuhanmuka sa pag iingat nito  ang isang caliber 5.56 M16 rifle, dalawang caliber .45 pistol, mga magazine, at live ammunition.

Base sa CIDG, wala umanong License to Own and Posession of  Firearms (LTOPF) ang suspek at hindi rin nakarehistro ang mga nasabing armas sa Firearms and Explosives Office (FEO).

Ang naturang operasyon ay bahagi ng pinaigting na OPLAN Paglalansag Omega, alinsunod sa kampanya ng Philippine National Police laban sa mga loose firearms.

Pinuri ni CIDG Director PMGEN Robert AA Morico II ang CIDG Regional Field Unit 4A sa pamumuno ni PCOL Ganaban C. Ali at ang CIDG Cavite Provincial Field Unit sa pangunguna ni PLTCOL Mark Jason M. Gatdula dahil sa matagumpay na operasyon.

Ayon sa CIDG, malaking hakbang ang pagkakasamsam ng tatlong hindi lisensyadong baril upang mapigilan ang posibleng paggamit ng mga ito sa krimen at karahasan.

Patuloy namang iginiit ng CIDG ang kanilang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act upang masugpo ang paglaganap ng mga ilegal na baril sa bansa. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here