Home HOME BANNER STORY DepEd humiling ng dagdag pondo para sa school security guards

DepEd humiling ng dagdag pondo para sa school security guards

4
0

MANILA, Philippines – Hihingi ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang pondo sa Department of Budget and Management (DBM) para makapag-hire ng mas maraming security guard sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kulang na kulang ang mga security guard dahil 200 na lamang ang plantilla positions na natira matapos ang nationalization, kahit may mahigit 48,000 pampublikong paaralan sa bansa.

Sinabi ni Angara na magsusumite ang DepEd ng kahilingan sa DBM para makalikha ng dagdag na mga permanenteng posisyon ng security guards.

Kasabay nito, nagsasagawa rin ang DepEd ng safety audit sa mga paaralan matapos ang mga nagdaang insidente, kabilang ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City kung saan tatlong estudyante ang namatay at 20 ang nasugatan.

Binigyang-diin ni Angara na kaligtasan ng mga mag-aaral ang pangunahing prayoridad ng DepEd. Idinagdag din niya na maaaring tumulong ang mga magulang at lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mas ligtas na transportasyon para sa mga estudyante. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here