Home METRO C5 Quirino flyover sa Las Pinas, pinagigiba ng solon upang mapabilis pagtatayo...

C5 Quirino flyover sa Las Pinas, pinagigiba ng solon upang mapabilis pagtatayo ng LRT project

7
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang agarang paggiba sa nakaharang na bahagi ng C-5 Quirino Flyover upang mapabilis ang kontruksyon ng  multibillion-peso LRT-1 Cavite Extension Project.

Ayon kay Santos, ang paggiba sa ₱300.39-milyong flyover ang pinakapraktikal na solusyon upang agad na maituloy ng pamahalaan ang Phase 2 ng railway project, na sumasakop sa 3.2-kilometer stretch para sa Las Piñas at Zapote stations.

Ayon kay Santos  ang hindi pa rin maayos na mga isyu sa right-of-way (ROW) ang patuloy na nagpapatigil sa Phase 2 at dahilan para hindi matapos ang tren bago pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa 2028.

Tinukoy ni Santos na ginawang paggiba noong 2019 sa Tandang Sora Flyover sa Quezon City para magbigay-daan sa MRT-7 na sya ding dapat na ginagawa sa Las Piñas.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), tinanggal ang Tandang Sora Flyover noon dahil sinasakop nito ang mismong itatayuan ng planong MRT-7 Tandang Sora Station. Sa halip na baguhin ang alignment ng tren, pinili ng gobyerno na tibagin ang istruktura upang magpatuloy ang proyekto kahit pa nagdulot ito ng pansamantalang mabigat na trapiko.

Sinabi ni Santos na ipinarating na nya kay DPWH Secretary Vince Dizon na ang C-5 Quirino Flyover ang pangunahing dahilan sa likod ng mga pagbabago sa inaprubahang 2022 alignment ng proyekto.

Aniya, ang flyover na itinayo noong panahon ng panunungkulan ng dating DPWH Secretary at ngayon ay Sen. Mark Villar, ay pisikal na umookupa sa espasyong inilaan para sa mga riles ng LRT-1, kaya napipilitan ang pamahalaan sa mga magastos na redesign at karagdagang negosasyon sa right-of-way.

Sa halip na baguhin ang disenyo ng riles para lamang umiwas sa intersection ng C-5 at Tramo Road, iginiit ni Santos na mas tama na tanggalin ang nakaharang na bahagi ng flyover at simulan na agad ang pagtatayo ng mga natitirang istasyon.

Idinagdag pa niya na ang paulit-ulit na pagbabago sa disenyo at antala sa right-of-way ay inaasahang magpapalobo sa kabuuang gastos ng proyekto lampas sa orihinal na budget na ₱64.915 bilyon.

Batay sa pagtaya ng mga infrastructure analysts at private contractors sa Las Piñas, ang natitirang 5.5-kilometer stretch—mula Las Piñas hanggang Niog—ay tinatayang aabot na sa ₱30 bilyon hanggang ₱35 bilyon dahil sa ROW acquisition, utility relocation, implasyon, bagong disenyo, at iba pang aberya sa konstruksyon.

“It is far more practical to dismantle a ₱300.39-million flyover than to spend an estimated ₱35 billion more because of repeated redesigns and prolonged delays. The government must choose the solution that best serves the public interest,” pagtatapos ni Santos. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here