Home METRO DSWD: 14-anyos suspek sa Tacloban shooting ‘di maaaring kasuhan

DSWD: 14-anyos suspek sa Tacloban shooting ‘di maaaring kasuhan

6
0

MANILA, Philippines – Hindi maaaring sampahan ng kasong kriminal ang 14-anyos na suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City dahil exempted sa criminal liability ang mga batang 15 taong gulang pababa, ayon sa DSWD.

Ayon kay Atty. Jonalyndie Chua, paglabag sa Konstitusyon ang pagsasampa ng kaso kapag nag-15 anyos na ang suspek dahil bawal ang ex post facto law. Sa halip, ilalagay siya sa rehabilitation at intervention program.

Samantala, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na natukoy ng mga social worker na ang 15-anyos na suspek ay may discernment, o alam ang kanyang ginagawa. Dadaan pa ito sa korte para mapagtibay ang assessment.

Hinihintay rin ng DSWD ang resulta ng psychological evaluation ng dalawang menor de edad upang matukoy ang angkop na intervention.

Nahaharap ang 15-anyos sa tatlong kasong murder, tatlong frustrated murder, at maraming kaso ng serious physical injuries kaugnay ng insidente noong Hunyo 22, kung saan tatlong estudyante ang namatay at 20 ang nasugatan.

Sinabi rin ni Gatchalian na bukas ang DSWD sa talakayan tungkol sa pagbaba ng minimum age of criminal responsibility, ngunit dapat munang pag-aralan kung kailangan bang amyendahan ang batas o pagbutihin lamang ang pagpapatupad nito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here