Home NATIONWIDE Walang pinoy na nasaktan sa pinakabagong pag-atake sa Strait of Hormuz –...

Walang pinoy na nasaktan sa pinakabagong pag-atake sa Strait of Hormuz – Malakanyang

6
0

MANILA, Philippines – Walang Filipino seafarers ang nasaktan sa pinakabagong pag-atake sa dalawang vessels na tumawid sa Strait of Hormuz.

Ang dalawang sasakyang-pandagat o barko ay nananatiling seaworthy at nagpapatuloy ang kanilang paglalayag.

Tinukoy ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang report na isinumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac, sinabi ni Castro na masusing naka-monitor ang gobyerno sa kondisyon ng mga Filipino crew members na nakasakay sa dalawang vessels.

Ang unang vessel ay napaulat na inatake ng Iran nitong weekend, M/V Ever Lovely, lulan ang 21 Filipino crew members, kabilang na ang kapitan nito.

“Walang nasaktan mula sa 21 na Filipino crew, kabilang ang kapitan ng vessel. Nananatiling seaworthy ang vessel at nagpapatuloy ng biyahe,” ani Castro.

Inaasahan naman na ang barko ay darating sa Singapore sa July 5.

Tinuran pa ni Castro na ang isa pang vessel, Panama-flagged oil tanker Kiku, ay inatake rin habang dumaan sa strategic waterway.

“Walang nasaktan sa 19 Filipino sailors na sakay nito,” aniya pa rin, idagdag pa na ang vessel ay nananatiling seaworthy at nagpapatuloy ng kanilang pagalalayag.

Sinabi ni Castro na ang mga awtoridad ay palaging “in constant communication” sa mga Filipino crew members at handa na magbigay ng psychosocial assistance kung kinakailangan.

Ayon sa Malakanyang, may 2,100 Filipino seafarers aboard 85 ships ang nakalabas na ng Strait of Hormuz.

Habang may 3,800 Filipino seafarers, gayunman, nananatiling lulan ng barko sa Persian Gulf.

Sinabi ng gobyerno na patuloy nitong masusing minomonitor ang situwasyon. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here