Home METRO Mag-iina, pinatay sa loob ng bahay sa ZamboSur

Mag-iina, pinatay sa loob ng bahay sa ZamboSur

6
0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Isang 42-anyos na babae at ang kanyang tatlong anak ang natagpuang patay sa kanilang bahay sa loob ng Interfaith Academy Foundation Inc. compound sa Barangay Litapan, Josefina, Zamboanga del Sur nitong Lunes, Hunyo 29.

Kinilala ang mga biktima na sina Arlene Fernan Dumaltte, 42; at ang kanyang mga anak na sina Nashyl, 16; En-en, 14; at Arnel, 11.

Nadiskubre ang insidente ng isang barangay kagawad na napansin ang kamay ng babae na nakausli sa butas ng dingding habang papunta sa bukid. Nakita rin niya ang mga dugo at masangsang na amoy mula sa bahay kaya agad niyang ipinaalam ito sa pulisya.

Batay sa paunang imbestigasyon, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang mag-iina. Pinaniniwalaang dumaan ang suspek sa butas ng dingding upang makapasok sa bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang salarin at motibo sa krimen. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here