Home LIFESTYLE HEALTH Higit 38,000 kaso ng dengue naitala sa Malaysia

Higit 38,000 kaso ng dengue naitala sa Malaysia

6
0

KUALA LUMPUR, Malaysia – Umabot na sa 38,842 kaso ng dengue ang naitala sa Malaysia mula Enero 4 hanggang Hunyo 27, 2026. Pinakamaraming kaso ang naitala sa Selangor, kasunod ang Kuala Lumpur at Johor.

Ayon sa Health Ministry, DENV-3 na ngayon ang dominanteng strain ng dengue sa bansa. Nilinaw ng mga eksperto na hindi ito mas nakahahawa, ngunit mas maraming tao ang maaaring mahawa dahil karamihan ay dati nang na-expose sa ibang uri ng dengue virus.

Pareho pa rin ang karaniwang sintomas ng DENV-3, tulad ng mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, pagsusuka, pantal, at panghihina.

Pinayuhan ang publiko na agad magpatingin sa doktor kapag nakaranas ng tuloy-tuloy na pagsusuka, matinding pananakit ng tiyan, pagdurugo, hirap sa paghinga, o paglala ng kondisyon matapos humupa ang lagnat.

Binigyang-diin ng mga eksperto na mahalaga ang maagang pagpapagamot, paglilinis ng mga pinamumugaran ng lamok, at pagbabakuna laban sa dengue upang maiwasan ang pagdami ng kaso. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here