Home ENTERTAINMENT Maris, waging best actress!

Maris, waging best actress!

4
0

Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, nasungkit ni Maris Racal ang pinakamimithing Best Actress award.

Ibinida ng Kapamilya actress ang ilang photos while holding her trophy para sa kanyang lead performance sa pelikulang Sunshine.

Ito’y mula sa 6th Pinoy Rebyu Awards na ipinagkaloob ng Society of Filipino Film Reviewers.

Caption ni Maris: “My first Best Actress WIN (crying emoji). This will always be special to me (heart hands emoji).”

Isa si Charo Santos-Concio sa mga nagtawid ng pagbati.

llan pang nag-congratulate kay Maris ay sina Kyle Echarri at Darla Sauler.

Matatandaang hindi biro ang ginawang preparasyon ni Maris para sa Sunshine na dinirek ni Antoinette Jadaone.

In fact, inabot din nang isang taon ang pagsasanay ng aktres.

Nagkamit din ang Sunshine ng Best Film award sa Crystal Bear sa 75th Berlin International Film Festival noong 2025 before it got commercially shown in October.

Pag-amin ni Maris noon: “Sa film na ito, l’ve grown so much as an actress!”

Congrats, Maris! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here