Home NATIONWIDE Parak na nanutok ng baril sa viral video, pinatawag ng Napolcom

Parak na nanutok ng baril sa viral video, pinatawag ng Napolcom

4
0

MANILA, Philippines – Pinatawag ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang isang parak na nasangkot sa isang viral video kung saan umano’y tinutukan at binantaan ng baril ang isang sibilyan sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.

Agad na nagsagawa ang NAPOLCOM ng motu proprio na imbestigasyon sa pulis na kinilalang si PCpl Henry Torres Boquida Jr..

Pinangungunahan ni NAPOLCOM Regional Office 9 Director Pablito M. Abad Jr. sa pakikipagtulungan ng Police Regional Office 9 (PRO-9), na siya namang humahawak sa kriminal na aspeto ng kaso.

Nagsampa rin ng reklamong Grave Threat ang biktimang si Elmer Bancairen laban sa pulis. Bukod dito, nahaharap din si PCpl Boquida sa hiwalay na kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Binigyang-diin ng NAPOLCOM na pananagutin sa pamamagitan ng mabilis na administratibong aksyon ang sinumang miyembro ng Philippine National Police na mapatutunayang umabuso sa kanilang kapangyarihan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here