Home METRO 4 minutong pagputok, naitala sa Taal

4 minutong pagputok, naitala sa Taal

4
0

BATANGAS, Philippines – Naitala ng Phivolcs ang apat na minutong phreatomagmatic eruption sa Taal Volcano sa Batangas alas-7:13 ng umaga nitong Martes. Ito na ang ikaapat na pagsabog ng bulkan ngayong Hunyo.

Umabot sa 450 metro ang taas ng ibinugang plume mula sa pangunahing bunganga ng bulkan.

Nauna nang naitala ang mga katulad na pagsabog noong Hunyo 4 (2 minuto), Hunyo 5 (4 minuto), at Hunyo 6 (1 minuto).

Nanatili sa Alert Level 1 ang Taal Volcano, na nangangahulugang may mababang antas ng volcanic unrest ngunit hindi pa tapos ang banta ng aktibidad.

Nagbabala ang Phivolcs na maaari pa ring magkaroon ng biglaang steam-driven o maliliit na phreatomagmatic eruptions, ashfall, at mapanganib na volcanic gases sa loob ng Taal Volcano Island.

Sa nakalipas na 24 oras, nagbuga rin ang bulkan ng 881 metric tons ng sulfur dioxide at nagkaroon ng plume na umabot sa 1,500 metro ang taas at tinangay patimog-silangan.

Ayon sa Phivolcs, wala namang naobserbahang volcanic earthquakes, volcanic smog (vog), o pag-angat ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake sa pinakahuling monitoring. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here