MANILA, Philippines – Hindi natitinag ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na maihayag ang kanilang layunin sa pagdaraos ng kilos protesta sa kabila ng panaka-nakang pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA) sa bansa.
Ngayong Martes ng umaga, maagang nagtipon-tipon ang mga miyembro ng kapatiran kung saan nagsimula ang kanilang programa alas 7 ng umaga sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila.
Ayon sa tala ng Manila Police District (MPD), humigit-kumulang 400 indibidwal ang nasa freedom park at patuloy pang dumarami habang dumadagsa ang iba pang kasapi.
Ilan sa mga isyu na kanilang itinaaas ang hindi pagbaluktot sa batas o anila’y “Don’t bend the law”.
Kinuwestyon din ang mga nangyayari ngayon sa gobyerno kung saan ang mga Kurap ang mga kinakanlong habang ang mga nagbubunyag naman ay kinukulong.
Panawagan din nila , ang mga karakot ang kasuhan at wala dapat pinipili sa batas ( No to Selective Justice )
Giit din nila na huwag ipakulong ang mga nag-iimbestiga.
Bahagya namang nag-dulot ng mabagal na daloy ng trapiko sa lugar dahil sa pagdagsa ng mga magkikilos protesta.
Mahigpit din ang seguridad sa Liwasang kung saan may mga nakadeploy na mga kapulisan na magpapanatili sa kaayusan sa buong aktibidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden