MANILA, Philippines – Hinikayat ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste ang lahat ng Pilipino na pumunta sa EDSA People Power Monument, at sinabing ang protesta ay para sa buong bansa at hindi para sa iisang grupo.
Ayon kay Leviste, “Everyone is invited today to the EDSA People Power Monument. This is not for one group. This is for all Filipinos.”
Umabot sa humigit-kumulang 7,000 katao ang nagtipon sa People Power Monument bandang 6:45 a.m., ayon sa Quezon City Police District (QCPD). Marami sa mga dumalo ang nakasuot ng mga shirt mula sa mga nakaraang rally ng Iglesia ni Cristo (INC).
Kalaunan, naglabas ng pahayag ang INC na sumusuporta ito kay Senador Rodante Marcoleta at tumututol sa umano’y “selective justice” at “distortion of law.”
Ayon kay INC spokesperson Bro. Edwil Zabala, “The Iglesia ni Cristo supports what Senator Marcoleta stands for because it is also our position. We call for transparency, accountability, justice, and peace.”
Ang pahayag ay kasunod ng sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na posibleng sampahan ngayong linggo si Marcoleta ng kasong plunder kaugnay ng isyu sa P75 milyong campaign donations.
Sa kanyang depensa, iginiit ni Marcoleta na hindi pampublikong pondo ang donasyon at kaya hindi ito dapat maging batayan ng kasong plunder. Samantala, sinabi ng mga state prosecutor na hindi rin umano ito naitala sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). RNT/MDS