MANILA, Philippines – Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) sa anumang maaarestong indibidwal na lumabag sa batas sa nagpapatuloy na kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo, ito ang tiniyak ni Justice Sec. Fredderick Vida.
Ayon kay Vida, lagi silang nakahanda dahil mandato nila na umusig at gampanan ang kanilang tungkulin sa mga pagkakataon na may mga mahuhuling lumalabag sa batas.
Sa mga nakaraang mga kilos protesta, nagtalaga ang DOJ ng mga prosecutors para sa mabilis na proseso ng pagsasampa ng reklamo sa mga ibat-ibang kilos protesta.
Ngayong araw Hunyo 30 ay nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo upang ipapanawagan ang ‘transparency, accountability, justice at peace’ sa bansa.
Bukod sa Liwasang Bonifacio sa Maynila at nagsagawa din ng protest rally sa EDSA Shrine. Jocelyn Tabangcura-Domenden