Activated na rin ang Emergency Operations Center (EOC) para sa mas mabilis na aksyon at koordinasyon ng MMDA sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III, nakadeploy ang traffic personnel at kapulisan sa kahabaan ng Edsa, partikular sa harap ng People Power Monument sa Quezon City kung saan nagkaroon pagtitipon ng daan-daang katao.
Sa direktiba ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, ito-tow at titikitan ang mga naka-illegal park sa kahabaan ng EDSA-White Plains Avenue, sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police.
Kasama rin si MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas sa pag-mo-monitor ng sitwasyon sa EDSA at Liwasang Bonifacio sa Maynila pamamagitan ng Closed-Circuit Television (CCTVs) sa MMDA Communications and Command Center.
Naka-preposition at standby naman ang mga behikulo ng ahensiya na handang magsakay mga pasahero na maaaring maaapektuhan ng pagtitipon. DANNY QUERUBIN