Home NATIONWIDE Hontiveros: Hindi ako nagsusulong ng video game ban

Hontiveros: Hindi ako nagsusulong ng video game ban

1
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Senadora Risa Hontiveros na hindi siya nagsusulong ng pagbabawal sa mga video game matapos kumalat ang usapin tungkol sa kanyang posisyon.

Ayon kay Hontiveros, nagsagawa lamang ang kanyang komite ng pagdinig upang alamin kung may papel ang mga video game sa marahas na pag-uugali ng ilang menor de edad.

“I never recommended, said, or even thought about banning any game, including Gorebox,” binigyang-diin ni Hontiveros sa kaniyang social media post.

Isa sa mga larong tatalakayin sa pagdinig ang Gorebox, matapos lumabas na nilaro umano ito ng isa sa mga menor de edad na sangkot sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban bago ang insidente.

Inimbitahan sa pagdinig ang developer ng Gorebox na si Felix Filip, ngunit tumanggi itong dumalo at sinabing nakikipagtulungan na siya sa ibang mga awtoridad. Ipinahayag naman ni Hontiveros ang kanyang pagkadismaya dahil nais sana niyang marinig mula rito ang mga hakbang upang mapigilan ang mga menor de edad na makagamit ng hindi angkop na content. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here