Home NATIONWIDE 44 barko ng China namataan sa WPS sa loob ng isang linggo...

44 barko ng China namataan sa WPS sa loob ng isang linggo – AFP

5
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 44 barko ng China ang namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa apat na pangunahing lugar sa West Philippine Sea (WPS) mula Hunyo 23 hanggang 29.

Mas mataas ito kumpara sa 17 barko na naitala noong nakaraang monitoring period.

Ayon sa AFP, kabilang sa mga namataang sasakyang-pandagat ang mga barko ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army Navy (PLAN) sa mga sumusunod na lugar:

• Ayungin Shoal – 8 CCG at 1 PLAN

• Bajo de Masinloc – 18 CCG at 9 PLAN

• Escoda Shoal – 2 CCG at 2 PLAN

• Pag-asa Islands – 1 CCG at 3 PLAN

Nauna nang sinabi ng AFP na mas kaunti ang namataang barko noong nakaraang linggo dahil sa masamang panahon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here