Home METRO 14-anyos kinatay ng guro

14-anyos kinatay ng guro

6
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang babaeng menor de edad nang saksakin sa leeg ng suspek na amain sa Brgy. Subic, Baliwag nitong madaling araw ng Hunyo 29.

Sa ulat ni PLTCOL Eisbon LLamasares, hepe ng Baliwag police station, ang biktima ay pawang 14 anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng istasyon, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang ospital na may babaeng dinala sa kanila na may saksak sa leeg.

Dahil dito, agad na rumesponde ang imbestigador ng istasyon sa pinagdalang ospital para beripikahin ang naturang ulat.

Nabatid na sa kabila ng agarang pagsusumikap ng mga medical personnel ay idineklara itong dead on arrival.

Agad naman inaresto ng pulisya ang 37 anyos na lalaking suspek na nagdala mismo sa ospital sa biktima kasama ang ina nito.

Nagsagawa na rin ng ocular inspection ang mga tauhan ng istasyon sa pinangyarihan ng insidente at humingi ng tulong sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa crime scene processing at iba pang forensic examination.

Samantala, isinailalim na ang suspek sa kustodiya ng istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.

Sinusulat ito, patuloy na sinisikap alamin kung ano ang motibo sa krimen na kinasasangkutan ng suspek na umanoy isang guro, ayon na rin sa impormasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here