Home HOME BANNER STORY P85 wage hike binatikos: barya na lang, installment pa

P85 wage hike binatikos: barya na lang, installment pa

7
0

MANILA, Philippines – Para kay Kamanggagawa Partylist Rep Eli San Fernando, pambabastos sa mga manggagawa ang inanunsyo ng NCR Regional Tripartite Wage and Productivity Board na ₱85 umento sa arawang minimum wage sa Metro Manila.

Ayon kay San Fernando ang inanunsyong taas sahod ay para sabotahin ang legislated wage hike na isinusulong sa Kongreso.

Tinuring ni Labor Secretary Francis Tolentino na historic ang ipatutupad na wage increase, ang umento ay ibibigay sa dalawang tranche, ₱60 sa Hulyo 2026 at ₱25 sa Enero 2027.

Ngunit binatikos ito ni San Fernando sa pagsasabing barat na barat ang ginawa ng DoLe.

“Barya na nga lang ang ibibigay, ginawa niyo pang installment! How can the administration be so proud sa ganitong pambabastos sa mga manggagawa? No less than the Philippine Statistics Authority has confirmed that there is already a 30% reduction in the purchasing power of the peso using 2018 prices. Applying this to the real value of wages, nasa at least ₱100 to ₱200 na ang nawawalang halaga sa araw-araw na sahod ng mga manggagawa”paliwanag ni San Pedro.

Giit pa nito na walang installment ang pagtaas ng presyo ng bilihin at walang installment ang gutom, kaya hindi dapat idaan sa hulugan ang buhay ng mga manggagawa.

Kinuwestiyon din ni San Fernando ang kahina-hinalang timing ng wage order, na sadyang inilabas sa mismong araw kung kailan opisyal na nagbukas ang deliberasyon ng House Committee on Labor and Employment para sa 17 nakabinbing panukalang batas para sa legislated wage hike.

Nanindigan ang bagitong solon na ₱200 legislated nationwide wage increase ang dapat na matanggap ng mga mangagawa upang matugunan ang pagtaas ng inflation rate. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here