Home METRO 14-anyos na stude, tigok sa tarak ni titser

14-anyos na stude, tigok sa tarak ni titser

6
0

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang 37-anyos na guro matapos umanong saksakin hanggang sa ikamatay ang isang 14-anyos na estudyante sa Barangay Subic, Baliwag City, Bulacan, madaling-araw ng Lunes, Hunyo 29.

Ayon kay Lt. Col. Eisbon L. Llamansares, hepe ng Baliwag Police, nakatanggap sila ng ulat mula sa Baliwag City Hospital dakong alas-3:30 ng madaling-araw hinggil sa isang dalagitang isinugod doon na may mga saksak sa leeg. Idineklara siyang dead on arrival sa kabila ng pagsisikap ng mga doktor na mailigtas ang kanyang buhay.

Ayon sa pulisya, ang suspek mismo ang nagdala sa biktima sa ospital kasama ang ina nito bago siya agad na inaresto.

Nagsagawa na ng ocular inspection ang mga imbestigador sa pinangyarihan ng insidente habang pinroseso ng Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakalap na ebidensiya.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kasong isasampa laban sa suspek.

Sinabi ni Col. Jay B. Baybayan, acting director ng Bulacan Police Provincial Office, na nagsasagawa ang pulisya ng masusing imbestigasyon upang matiyak ang pananagutan sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here