MANILA, Philippines – SINUSPINDE ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila ngayong Huwebes, Hulyo 2, 2026, dahil sa inaasahang paglipat ng protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Moreno na ginawa ang suspensyon bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga kalahok sa rally.
“In light of the expected transfer of the Iglesia ni Cristo (INC) protest to Liwasang Bonifacio in the City of Manila, I am announcing the suspension of classes in all levels, both public and private, today, Thursday, 2 July 2026.”
Nauna nang sinabi ni Manila City Administrator Atty. Eduardo “Wardee” P. Quintos XIV na hindi na kailangan ng permit para magsagawa ng pagtitipon sa Liwasang Bonifacio dahil isa itong itinalagang Freedom Park.
“Liwasang Bonifacio is a government-designated Freedom Park. As such, the Iglesia ni Cristo (INC) does not need to secure a permit to assemble peacefully in the area.”
Inanunsyo ng INC na ipagpapatuloy nito ang protesta sa Liwasang Bonifacio matapos tapusin ang programa nito sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi alinsunod sa permit na ibinigay ng lokal na pamahalaan. RNT