Home METRO Grade 11, nahulihan ng patalim sa iskul sa Lucena

Grade 11, nahulihan ng patalim sa iskul sa Lucena

5
0

MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng isang pribadong paaralan sa Lucena, Quezon na nakuhanan ng patalim ang isang Grade 11 student sa loob ng campus, ngunit pinabulaanan nito ang kumakalat na ulat sa social media tungkol sa umano’y tangkang pananaksak na kinasangkutan ng dalawang estudyante.

“We deeply regret that a bladed-weapon found its way into the school premises, against institutional policy and notwithstanding rigid security protocols. It has been established though that the same was not deliberately used or actually utilized to inflict harm against any person,” ayon sa pahayag ng paaralan.

Dagdag pa ng paaralan na natapos na ang paunang fact-finding process ngunit nagpapatuloy ang administrative investigation upang matukoy ang kaukulang disciplinary action alinsunod sa umiiral na school policies at mga regulasyon ng Department of Education (DepEd).

Kasunod ng insidente, nagpatupad din ang paaralan ng karagdagang security measures upang higit pang mapalakas ang seguridad sa campus at matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at iba pang miyembro ng school community.

Nanawagan din ang pamunuan sa publiko na huwag basta maniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon at iwasang magpakalat ng hate messages, malawakang akusasyon, at mga walang basehang konklusyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here