MANILA, Philippines – ISINUSULONG ni Finance Secretary Frederick Go ang pagpapababa ng remittance fees para sa overseas Filipino workers (OFWs) upang mas malaking bahagi ng kanilang ipinapadalang pera ang mapunta sa kanilang mga pamilya.
Ayon kay Go, umaabot sa 6 hanggang 10 porsiyento ang ibinabawas sa remittance fee, at naniniwala siyang makatutulong ang digital technology upang mapababa ang gastos, tulad ng ginawa ng ilang lokal na bangko sa money transfer fees.
“For the overseas Filipinos, they’re paying up to 10 percent. These are blood, sweat, and tears of our fellow kababayans abroad. And they have to pay those kinds of usurious fees. I think that’s really something we really really should work on,” anang kalihim.
Sinabi ni Go na nakipagpulong na siya sa Fintech Alliance at mga technology expert, na kapwa naniniwalang makapagpapababa ng gastos at makapagpapabilis ng remittance ang digital payment solutions.
Isa sa mga panukalang pinag-aaralan ay ang paggamit ng cryptocurrency tulad ng USDT bilang intermediary sa pagpapadala ng pera mula sa ibang bansa patungong Philippine peso.
“They’re proposing to use a virtual dollar or a crypto like the USDT for example as a medium to be able to send money from overseas currencies to Filipino peso.”
Ayon pa kay Go, hinihintay pa niya ang tugon ng mga financial institution sa kanyang panawagang ibaba ang remittance fees. Pinuri rin niya ang BPI sa permanenteng pagtanggal ng bayarin sa InstaPay at PESONet transfers.
“I’ve always been trying to advocate to lower these transaction fees and obviously I’m very happy with what BPI did. My goal has always been simple: digital payments should be fast, secure, convenient and affordable.” RNT