Home METRO 9-anyos na lalaki, patay sa talim ng traktora sa Pangasinan

9-anyos na lalaki, patay sa talim ng traktora sa Pangasinan

3
0

PATAY ang isang 9-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa inakyat niyang traktora at tamaan ng umiikot nitong talim habang ginagamit sa pag-aararo sa Barangay Amistad, Tayug, Pangasinan.

Ayon sa Tayug Police Station, umaandar ang traktora nang mangyari ang insidente. Batay sa salaysay ng driver, ilang ulit niyang binalaan ang limang batang naroon, kabilang ang biktima, na lumayo sa traktora.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hindi napansin ng driver na umakyat ang bata sa rotor ng traktora, nadulas, at aksidenteng tumama sa umiikot na talim habang umaandar ang makina.

Agad na isinugod sa ospital ang bata ngunit idineklarang dead on arrival.

Isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang driver bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon. Ayon sa mga awtoridad, nakausap na nito ang pamilya ng biktima at nangakong magbibigay ng tulong pinansyal.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang sinisikap ding makunan ng pahayag ang pamilya ng biktima at ang driver ng traktora. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here