Home NATIONWIDE Ilang kalsada sa Maynila, sarado dahil sa rally ng INC

Ilang kalsada sa Maynila, sarado dahil sa rally ng INC

3
0

MANILA, Philippines – ISINARA ang ilang pangunahing kalsada sa Maynila nitong Huwebes ng madaling araw kasabay ng pagtitipon ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio.

Simula alas-4:00 ng madaling araw, ipinatupad ang road closure sa bahagi ng C.M. Recto Avenue mula Nicanor Reyes Street hanggang Mendiola Street, Legarda Street mula Figueras Street hanggang San Rafael Street, Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge, at eastbound lane ng Ayala Boulevard mula San Marcelino Street hanggang Romualdez Street.

Nauna nang sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here