Home METRO P6M di otorisadong e-bike batteries, nakumpiska 

P6M di otorisadong e-bike batteries, nakumpiska 

3
0

PAMPANGA- Tinatayang nasa mahigit P6 Milyon halaga ng mga imported na e-bike batteries at charger na pawang wala umanong dokumento ang nasabat at sinamsam ng mga awtoridad matapos salakayin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang warehouse na pinag-imbakan ng mga kontrabando sa Barangay Laug, Mexico.

Sa bisa ng search warrant mula sa Korte, sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing warehouse na ino-operate umano ng Antelope Electric Motors sa nabanggit Lugar.

Sa operasyon, nadiskubre at kinumpiska ng mga awtoridad ang 365 unit ng mga imported na e-bike batteries, na may brand name na Chilwee at Tianneng, 90 unit ng e-bike battery charger at 20 unit na Antelope e-bike na may kasamang baterya na nagkakahalaga ng P6,020,000.

Nabatid sa ulat na ang mga nadiskubreng kontrabando ay Wala umanong Import Commodity Clearance (ICC) Stickers at Philippine Standard (PS) marks sa mga nakumliskang produkto.

Bukod sa mga nabanggit, nadiskubre din ng mga awtoridad na wala umanong kaukulang business permit mula sa Lokal ba Pamahalaan ang sinalakay na Warehouse.

Mahaharap sa Kasong paglabag sa Republic Act 7374 o ang Consumer Act of the Philippines ang mapapatunayang nagmamay-ari ng mga nakumpiskang produkto. (Roel Tarayao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here