Home NATIONWIDE Hontiveros sa INC rally: Karapatan ng bawat samahan na maghayag ng saloobin

Hontiveros sa INC rally: Karapatan ng bawat samahan na maghayag ng saloobin

3
0

MANILA, Philippines – Karapatan ng bawat samahan at mamamayang Pilipino na magpahayag ng kanilang saloobin anuman ang isyu.

Ito ang komento ni Senator Risa Hontiveros sa Kapihan sa Manila Prince kasabay ng pagkasa ng kilos protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).

Aniya, nirerespeto niya ang pagsasagawa ng kilos protesta para ihayag ang kanilang hinaing partikular sa ibat-ibang isyu na kinakaharap ng bansa sa usapin ng hustisya at mga ginagawang imbestigasyon.

Sinabi rin ni Hontiveros na ang mga adbokasiya ng INC na sinasabing transparency, accountability, katotohanan, kapayapaan at hustisya ay kanya ring ipagpapatuloy na isusulong ng Senate Blue Ribbon Committee.

Kasama sa kanilang patuloy na iimbestigahan ang mga alegasyon ng graft and corruption sa iba pang programa at department ng pamahalaan.

Umaasa nanan si Sen. Hontiveros na magiging maayos at payapa ang mga ginagawang protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here