Home METRO 3 trak ng basura nakolekta matapos ng INC rally sa EDSA

3 trak ng basura nakolekta matapos ng INC rally sa EDSA

4
0

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa tatlong truck ng basura ang nakolekta ng Quezon City Department of Sanitation and Cleanup Works at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ang rally ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) malapit sa EDSA People Power Monument nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, nakolekta ang mga basura sa White Plains Avenue, People Power Monument, at kahabaan ng EDSA malapit sa Camp Aguinaldo.

Tumulong din umano ang mga miyembro ng INC sa paglilinis ng lugar matapos ang kanilang pagtitipon.

Karamihan sa nakolektang basura ay mga plastic bottle at pinagkainan o food packaging.

Ayon kay Bowie Cruz ng Quezon City Department of Sanitation and Cleanup Works, mahigit tatlong truck ng basura ang kanilang nakolekta mula pa noong gabi ng pag-alis ng mga miyembro ng INC hanggang nitong umaga.

Samantala, ipinagpapatuloy ng INC ang kanilang rally sa Liwasang Bonifacio matapos hindi palawigin ng Quezon City government ang permit para sa kanilang pagtitipon sa EDSA dahil sa epekto nito sa daloy ng trapiko. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here