Home METRO Higit 85 baboy biglang namatay sa South Cotabato

Higit 85 baboy biglang namatay sa South Cotabato

1
0

SOUTH COTABATO, Philippines – Mahigit 85 baboy ang biglaang namatay sa nakalipas na dalawang linggo sa Barangay Moloy, Surallah, South Cotabato, kaya naghigpit ang mga awtoridad sa pagbiyahe ng mga buhay na baboy at produktong baboy sa lugar.

Kukuha ng blood samples ang mga tauhan ng agrikultura mula sa mga may sakit na baboy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay at makapagpatupad ng tamang hakbang sa pagkontrol ng sakit.

Ayon kay animal health worker Cristine Alido Tapar, nagsimulang maiulat ang mga kaso noong Hunyo 17. Nakitaan ang mga baboy ng mataas na lagnat, pantal sa balat, kawalan ng gana kumain, panghihina, hirap sa paghinga, at kalaunan ay namatay.

Isa sa mga naapektuhan si Annie Vegafreya, na nawalan na ng 17 baboy kabilang ang isang inahin, 10 biik, at pitong patabain. Isa pa niyang baboy ang kasalukuyang may matinding pantal at hindi na kumakain.

Sa kabila ng payo ng Municipal Agriculture Office na painumin ng gamot sa lagnat, bitamina, at antibiotics ang mga baboy, karamihan ay namatay pa rin sa loob ng halos isang linggo.

Bilang pag-iingat, naglagay ng checkpoints ang barangay, pansamantalang ipinagbawal ang pagpasok at paglabas ng buhay na baboy at produktong baboy, at sinuspinde ang pagkatay ng baboy habang hinihintay ang resulta ng laboratory tests.

Namahagi rin ang Department of Agriculture ng mga bitamina at disinfectants sa mga backyard hog raisers. Ayon sa Provincial Veterinary Office, nananatiling walang kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa South Cotabato noong Pebrero. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here