Home METRO DOH, pinaalalahanan mga pribadong komunidad sa patient privacy sa kaso ng mpox...

DOH, pinaalalahanan mga pribadong komunidad sa patient privacy sa kaso ng mpox sa Mandaluyong

1
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga pribadong komunidad at condominium na protektahan ang privacy ng mga pasyente matapos maglabas ng advisory ang isang condominium sa Mandaluyong tungkol sa residenteng nagpositibo sa mpox.

Ayon sa DOH, hindi na kailangang ipahayag sa publiko ang ganitong impormasyon. Sinabi ni DOH spokesperson Undersecretary Albert Domingo, “Hindi po namin nakita yung pangangailangan para i-announce. In fact, we were also looking, nagkaroon ba ng breach sa data privacy? Buti nalang hindi binanggit yung identity. Pero very borderline na yung naging memorandum nung nasabing condominium.”

Kinumpirma ng Mandaluyong City Health Office na nagkaroon ng sintomas ang pasyente noong Hunyo 21 at nagpositibo sa mpox noong Hunyo 25. Kasalukuyan siyang naka-isolate at mino-monitor ng mga doktor.

Patuloy ang contact tracing ng mga taong maaaring nakasalamuha ng pasyente mula 21 hanggang 30 araw bago lumabas ang kanyang sintomas. Wala rin siyang travel history kaya pinaniniwalaang lokal ang pinagmulan ng impeksyon.

Ayon sa mga opisyal ng kalusugan, ang mpox ay pangunahing naipapasa sa pamamagitan ng direktang skin-to-skin contact, lalo na sa may aktibong mga sugat.

Sa ngayon, nakapagtala na ang DOH ng 45 kaso ng mpox sa Pilipinas ngayong taon.

Nilinaw din ni Domingo na hindi awtomatikong nanganganib ang ibang residente ng condominium. “Would even say kahit kapitbahay mo siya, basta wala kayong close physical skin-to-skin contact, hindi po yan nilipat sa inyo. Especially in a condominium environment na wala naman po sa aking pagkaalala, wala naman po mga shared windows ang mga condominium.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here