Home HOME BANNER STORY Preliminary investigation vs 2 kongresista sinimulan ng Ombudsman

Preliminary investigation vs 2 kongresista sinimulan ng Ombudsman

3
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Office of the Ombudsman na umabot na sa preliminary investigation ang mga reklamo ng conflict of interest laban kina Uswag Ilonggo Party-list Rep. Jojo Ang at Tarlac 3rd District Rep. Noel Rivera.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, ang mga reklamo ay may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ipinaliwanag ni Clavano na ipinagbabawal sa mga kongresista ang pagmamay-ari ng construction firms dahil may impluwensya sila sa pambansang badyet. Aniya, sapat nang mapatunayan na may pagmamay-ari ang isang mambabatas sa isang construction company upang magkaroon ng conflict of interest, kahit wala pang ebidensyang nakinabang ito sa isang kontrata.

Sinabi rin ni Clavano na marami pang kahalintulad na kaso laban sa ibang mambabatas ang inaasahang aakyat sa preliminary investigation.

Binigyang-diin niya na bahagi ng due process ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga respondent na sagutin ang mga reklamo laban sa kanila.

Sa oras ng paglalathala ng ulat, wala pang inilalabas na pahayag sina Rep. Ang at Rep. Rivera tungkol sa isyu. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here