MANILA, Philippines — Makakaranas ang buong bansa ng isolated rain showers o thunderstorms ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sinabi ng PAGASA na makararanas ng pag-ulan ang Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Aurora, at Quezon dahil sa easterlies.
Sa nalalabing bahagi ng bansa, magdudulot naman ng isolated rain showers ang localized thunderstorms.
Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ng flash floods o landslides ang severe thunderstorms.
Samantala, makararanas ng moderate winds at moderate coastal waters ang western section ng southern Luzon.
Sa ibang bahagi ng bansa, magiging light to moderate ang hangin, habang slight to moderate naman ang alon. RNT