Home NATIONWIDE PAL flight pa-Hong Kong, na-delay sa ‘security threat’

PAL flight pa-Hong Kong, na-delay sa ‘security threat’

5
0

MANILA, Philippines — Naantala ng halos anim na oras ang flight ng Philippine Airlines patungong Hong Kong mula sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong Huwebes, Hulyo 2, 2026, dahil sa isang “security concern.”

Ang PAL Flight PR300 ay nakatakda sanang umalis dakong alas-7:45 ng umaga ngunit pansamantalang pinigil upang isailalim sa masusing inspeksyon ang eroplano at mga bagahe sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad.

Ayon kay PAL Vice President for Communications Anne Tiongco sa isang ulat, ang hindi tinukoy na “security concern” ay hindi bomb joke at hindi rin bomb threat.

Umalis ang flight dakong ala-1:51 ng hapon, ayon kay Tiongco.

Sa isang pahayag, sinabi ng PAL na nananatiling pangunahing prayoridad nito ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero. Tinulungan din umano ng airline ang mga pasahero at nagpasalamat sa kanilang kooperasyon habang isinasagawa ang security procedure. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here