Home METRO Lalaking wanted sa panggagahasa sa Valenzuela, arestado sa Batangas

Lalaking wanted sa panggagahasa sa Valenzuela, arestado sa Batangas

2
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang 44-anyos na lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Lungsod ng Valenzuela nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Lipa City, Batangas.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay nakatala bilang No. 4 sa Top Ten Most Wanted Person ng Valenzuela City Police Station.

Ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, at Women and Children Protection Desk ng Valenzuela CPS ang manhunt operation laban sa akusado kasunod ng kanilang natanggap na impormasyon na nagtatago umano ito sa Batangas.

Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner ng mga tauhan ni VCPS Chief P/Col. Joseph Talento sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Lodlod, Lipa City, Batangas.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 171, Valenzuela City, na walang inirekomendang piyansa.

Pinuri ni Capili ang Valenzuela CPS sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga wanted person at tiyaking maihaharap sa hukuman ang mga taong may kinahaharap na mabibigat na kaso na bahagi aniya ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga taong pinaghahanap ng batas. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here