Home NATIONWIDE Mga eskwelahan hinikayat ng DepEd, PTAs gawing frontliner partners vs karahasan

Mga eskwelahan hinikayat ng DepEd, PTAs gawing frontliner partners vs karahasan

2
0
Bilang paghahanda sa darating na pasukan ay naglinis at nag-ayos ng mga sirang upuan ang TUPAD-Malabon sa mga silid-aralan sa Malabon National High school. EDGAR RABULAN

MANILA, Philippines -HINIKAYAT ni Education Secretary Sonny Angara ang mga eskuwelahan sa buong bansa na gamitin ang Parent-Teacher Associations (PTAs) bilang frontline partners para mapigilan ang karahasan sa paaralan.

Kumbinsido ang Kalihim na ang malakas na pagtutulungan sa pagitan ng eskuwelahan at pamilya ay susi para protektahan ang mga mag-aaral.

Ang panawagan ay bunsod na rin ng hangarin ng Department of Education (DepEd) na mas higpitan ang ‘safety measures’ para protektahan ang mga mag-aaral, guro at stakeholders kasunod ng kamakailan lamang na insidente ng karahasan at pagbabanta sa mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Schools cannot do this alone. Parents cannot do this alone. Pananagutan nating lahat ang kaligtasan ng ating mga anak, at ang PTA ang isa sa pinakamahalagang tulay na nagdurugtong sa pamilya, paaralan, at komunidad upang mapangalagaan ang bawat mag-aaral,” ani Angara.

Sinabi pa ng Kalihim na DepEd Order No. 13, s. 2022, o ang Omnibus PTA Guidelines, ay nagbibigay na sa eskuwelahan ng balangkas para makatrabaho at makatulong ang mga magulang para tukuyin ang mga alalahanin ng mga mag-aaral ng mas maaga, palakasin ang ‘child protection efforts’ at suportahan ang mga estudyante na nangangailangan ng interbensiyon.

Hinikayat ni Angara ang mga eskuwelahan na gamitin ang PTA assemblies at regular meetings hindi lamang para sa administrative concerns kundi maging talakayin ang ‘learner attendance, behavior, mental health, anti-bullying initiatives, responsible digital citizenship, at iba pang usapin na nakaaapekto sa kapakanan ng mga estudyante.

“Our conversations with parents should not begin only when a problem has already occurred. The PTA gives us the opportunity to build trust, identify warning signs early, and work together before issues escalate,” anito pa rin.

Hinikayat din niya ang PTAs na mag-organisa ng ‘parenting seminars, digital safety orientations, values formation activities, at community partnerships’ kasama ang local governments, barangays, youth organizations, at health professionals para makatulong na makalikha ng mas ligtas na school environments.

Tinuran pa ni Angara na ang mga inisyatiba ay umaakma sa nagpapatuloy na pagsisikap ng DepEd para palakasin ang ‘campus security, learner protection, at psychosocial support’ sa buong bansa.

“The strongest safeguard against violence is a community that knows its children well,” ayon kay Angara.

“When parents and teachers communicate regularly, when schools work closely with local governments and community partners, and when learners know they have trusted adults they can turn to, we create an environment where problems are addressed early and every child feels safe, supported, and valued.” aniya pa rin.

Ang apela ay kasunod ng serye ng school safety incidents ngayong linggo, kabilang na ang fatal shooting sa isang high school sa Tacloban City, isang insidente ng pananaksak na sangkot ang isang estudyante sa Zamboanga City, at sinasabing ulat ukol sa marahas na gawain sa Quezon City and Cebu City, dahilan para paigtingin ang heightened security measures sa ilang eskuwelahan sa iba’t ibang lugar sa bansa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here