Home NATIONWIDE Branch ng sikat na Pinoy fastfood sa Vancouver binisita nina PBBM, PM...

Branch ng sikat na Pinoy fastfood sa Vancouver binisita nina PBBM, PM Carney

4
0

MANILA, Philippines – MAGKASAMANG binisita nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney, araw ng Huwebes, (Canada time) ang isang Jollibee branch sa Vancouver, isang Filipino-Canadian-owned business na sumasalamin sa lumalagong negosyo sa pagitan ng dalawang bansa.

Kapuwa kinausap nina Pangulong Marcos at Prime Minister Carney ang mga customers sa Jollibee Granville, matatagpuan sa 833 Granville Street sa Vancouver. Inilatag din sa dalawang lider ang iba’t ibang Jollibee offerings.

Ang Jollibee Foods Corp. (JFC), isa sa ‘most globally recognized brands’ sa Pilpinas, ay mayroong lumalagong international footprint sa iba’t ibang dako ng North America, Gitnang Silangan, Europa, at Asya.

Sa Canada, ang Jollibee ay pumapasok sa isang mahalagang growth phase, kasabay ng pagdiriwang ng Jollibee ng ika-10 taong anibersaryo nito sa bansa.

Samantala, sinabi ng Department of Trade and Industry-Export Marketing Bureau (DTI-EMB), ang Canada ang second-largest export market ng Jollibee para sa for Philippine food products, at ang food chain ay consistentlya na rumaranggo bilang ‘top exporting enterprises’ sa Pilipinas. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here