Home NATIONWIDE Silangang bahagi ng Luzon, Visayas apektado ng Easterlies

Silangang bahagi ng Luzon, Visayas apektado ng Easterlies

3
0

MANILA, Philippines – Apektado ng easterlies ang silangang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Sabado, Hulyo 4.

Ayon sa PAGASA, ang Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, Quezon, at Dinagat Islands ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Easterlies.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorm.

Samantala, namataan ang Super Typhoon Bavi sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa layong 2,985 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 195 kilometro kada oras at pagbugso na 240 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong westward sa bilis na 15 kilometro kada oras. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here