MANILA, Philippines- MULING INULIT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang kanilang katapatan ay “firmly anchored” sa Konstitusyon, panuntunan ng batas at duly constituted civilian authority.
“The AFP is a professional and non-partisan institution committed to its mandate to defend the sovereignty of the State,” ayon sa isang kalatas.
Ito’y bunsod na rin ng di umano’y patuloy na panawagan at demand ng ilang grupo sa AFP na mag-aklas at iatras na ang suporta sa gobyerno at kasalukuyang adinistrasyon dahil na rin sa nagpapatuloy na political issues at tensyon.
“The AFP strongly condemns any attempt to drag the organization into partisan politics, as its unwavering commitment to the Constitution remains paramount,” ayon sa kalatas.
Gayundin, sinabi ng AFP na ipagpapatuloy nito ang suporta sa legal na pagsisikap ng pamahalaan na pagtibayin ang kapayapaan at kaayusan at protektahan ang national security at pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Filipino. KRIS JOSE