Home NATIONWIDE DOLE naglabas ng P9.88M sahod sa libo-libong mangingisda

DOLE naglabas ng P9.88M sahod sa libo-libong mangingisda

1
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng P9.88 milyon na sahod ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 1,040 mangingisda sa ilalim ng programang TUPAD Tuloy Pamalakaya sa General Santos Fish Port Complex

Katuwang ng DOLE ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region XII at ang Philippine Fisheries Development Authority o PFDA.

Bahagi ang tulong ng mga pagsisikap ng administrasyong Marcos Jr. para protektahan ang kabuhayan ng mga mangingisda, lalo na ng mga naapektuhan ng kamakailang energy emergency at ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng General Santos City at Lalawigan ng Sarangani.

Sinabi ni Labor Secretary Francis N. Tolentino na nagpapakita ang programa ng kahandaan ng pamahalaan na magbigay ng agarang tulong sa mga vulnerable na manggagawa sa pamamagitan ng emergency employment.

Sa ilalim ng programang TUPAD Tuloy Pamalakaya, nakatapos ang mga benepisyaryo ng 20 araw na emergency work para suportahan ang mga operasyong may kinalaman sa pangisdaan at maintenance ng pasilidad.

Sa kabuuang benepisyaryo, 559 ang na-assign sa PFDA General Santos Fish Port Complex, kung saan nagsagawa sila ng maintenance, paglilinis ng drainage, pamamahala ng wastewater, at iba pang rehabilitation activities.

Samantala, 481 naman ang benepisyaryong dineploy ng BFAR Region XII para tumulong sa tuna handline fishing, pag-aasikaso ng huli, post-harvest operations, logistics, at mga inisyatiba para sa sustainability ng pangisdaan.

Sa aktibidad, iginawad din nina Secretary Tolentino at ng mga kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Region XII sa Eastern Aqua Ventures, Inc. ang Certificate of TVET Program Registration para sa programang Aquaculture (Grow-out Operation) NC II, para madagdagan ang training opportunities para sa mga susunod na aquaculture workers.

Kabuuang P9.88 milyon na sahod ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo, na nagbigay ng pansamantalang kita habang sinusuportahan ang patuloy na operasyon ng isa sa mga pangunahing fishing hub ng bansa.

Pinapakita ng programang TUPAD Tuloy Pamalakaya ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na protektahan ang kabuhayan, palakasin ang social protection, at patatagin ang resiliency ng mga mangingisda sa pamamagitan ng emergency employment at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here