Home NATIONWIDE Ika-250 anibersaryo ng pagtanggap ng Amerika sa immigrants pinuri ni Pope Leo

Ika-250 anibersaryo ng pagtanggap ng Amerika sa immigrants pinuri ni Pope Leo

2
0

VATICAN – Pinuri ni Pope Leo sa kanyang unang malaking talumpati sa Estados Unidos ang kasaysayan ng Amerika sa pagtanggap sa mga imigrante at hinimok ang mga Amerikano na isabuhay ang mga ideyal ng Declaration of Independence tulad ng “unity, justice at peace.”

Dati nang binatikos ni Leo ang patakaran sa imigrasyon ni President Donald Trump bilang “inhuman”, at sinabi niyang naging “kasingkahulugan ng kalayaan” ang salitang “America” dahil sa mga imigrante.

Hindi niya binanggit si Trump sa talumpati, pero hinikayat niya ang U.S. na magkaisa at magpasa ng mga batas na “kinikilala at pinoprotektahan” ang buhay mula sa paglilihi hanggang sa natural na kamatayan.

Ibinigay ni Leo ang mensahe mula sa Vatican habang tinatanggap ang Liberty Medal mula sa National Constitution Center sa Philadelphia.

Ito rin ang unang pambansang video address niya sa U.S. mula nang maging pope noong Mayo 2025. Isang araw matapos nito, babiyahe siya patungong Lampedusa, isang isla sa Italya na kilala sa mga mapanganib na ruta ng migrasyon.

Ang Liberty Medal ay iginagawad sa mga nagsusulong ng kalayaan sa mundo, tulad nina George W. Bush, Hillary Clinton, Volodymyr Zelenskiy, at ang Dalai Lama. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here