Home NATIONWIDE Clemency appeal para kay Mary Jane Veloso, ipararating kay PBBM- Malakanyang

Clemency appeal para kay Mary Jane Veloso, ipararating kay PBBM- Malakanyang

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na ang apela para sa executive clemency para kay Mary Jane Veloso, nananatili sa state custody pagkatapos ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas mula Indonesia, ay ipararating kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang apela para sa clemency ay hindi pa nakararating sa Pangulo subalit tiniyak na maayos na maipararating sa pamamagitan ng tamang channels.

“Sa ngayon ay wala pa po akong maibibigay na detalye at hindi pa natin ito napapaabot sa Pangulo. Pero makakarating po ito,” ang sinabi ni Castro.

Maatatandaang, inaresto si Veloso sa Yogyakata, Indonesia noong 2010 matapos mahulihan ng mga awtoridad ng 2.6 kg. ng heroin sa kanyang suitcase.

Nakulong hanggang sa masentensiyahan ng kamatayan subalit sa huli ay pinagbigyan ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na pauuwiin na lamang ng Pilipinas si Veloso at dito sa bansa bunuuin ang sentensiya sa kanya na.

Dahil dito, umapela si Veloso kay Pangulong Marcos na bigyan siya ng clemency upang tulu­yang makalaya.

Matapos kasi ang 14 taong nasa death row sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking ay nakauwi siya ng Pilipinas.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na ang kaligtasan ni Mary Jane Veloso ay prayoridad ng gobyerno matapos ang kaniyang pagbabalik sa Pilipinas. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here