Home HOME BANNER STORY Mao Aplasca sinibak na sa serbisyo

Mao Aplasca sinibak na sa serbisyo

2
0

MANILA, Philippines – Sinibak na sa serbisyo si Mao Aplasca, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado, Hulyo 4.

“Noong Monday napirmahan ko na ‘yung dismissal ni Mao Aplasca from the service… Acting Sergeant at Arms ng Senate at Sergeant at Arms ng Commission on Appointments, dinismiss na namin from the service,” sinabi ni Remulla sa panayam sa radyo.

“Ilalabas namin ang desisyon para makita ng tao dahil mahirap na magpaliwanag, basta ipu-publish namin,” dagdag pa niya.

Wala pang tugon si Aplasca kaugnay nito.

Matatandaan na si Aplasca ang nagpaputok ng mga warning shot sa Senado noong Mayo 13 na nagdulot ng panic sa mga taong nasa lugar nang mga panahong iyon.

Dahil dito ay inilagay ng Ombudsman si Aplasca sa ilalim ng preventive suspension sa loob ng anim na buwan nang walang bayad dahil sa paglalabas ng armas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here