Home METRO Halos 98 ektaryang bakawan, naibalik ng DENR sa Quezon

Halos 98 ektaryang bakawan, naibalik ng DENR sa Quezon

3
0

QUEZON, Philippines – Naibalik na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang halos 98 ektaryang bakawan sa bayan ng Jomalig, Quezon na nasira ng magkakasunod na bagyo.

“Nature has its own built-in shield against the strongest storms, and in Jomalig, Quezon, that shield is growing stronger every day: the mangrove forest,” ayon sa DENR-Calabarzon.

Isinagawa ang rehabilitasyon sa Barangay Talisoy sa ilalim ng National Greening Program, Yolanda Rehabilitation and Reconstruction Program, at Mangrove and Beach Forest Development Project.

Ayon sa DENR, nakatutulong ang mga naibalik na bakawan sa pagpapalakas ng depensa laban sa storm surge, pangangalaga sa biodiversity, at pagbibigay ng tirahan sa mga isda at iba pang yamang-dagat na nakatutulong din sa kabuhayan ng mga residente.

Ang Jomalig, ang pinakamaliit at pinakasilangang isla ng Quezon, ay madalas tamaan ng malalakas na bagyo dahil nakaharap ito sa Karagatang Pasipiko.

Pinaalalahanan din ng DENR na ipinagbabawal ang pagputol ng mga bakawan sa ilalim ng Presidential Decree No. 705 at Republic Act No. 8550. Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng batas, halos natigil na rin ang pagputol ng bakawan para sa uling at pagpapalawak ng mga palaisdaan sa maraming bahagi ng Quezon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here