Home HOME BANNER STORY Gatchalian: Marcoleta maaari pang maging senator-judge sa impeachment trial

Gatchalian: Marcoleta maaari pang maging senator-judge sa impeachment trial

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na maaari pa ring lumahok si Senador Rodante Marcoleta bilang senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na magsisimula sa Hulyo 6.

Bagama’t nahaharap si Marcoleta sa kasong plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman, sinabi ni Gatchalian na wala pang desisyon ang korte.

“For now, dahil senator pa siya at wala naman linalabas na desisyon. So aantayin natin kung ano yung magiging desisyon ng Sandigan,” ani Gatchalian.

Ayon sa kanya, hindi maaaring pangunahan ng Senado ang magiging aksyon ng Sandiganbayan, na hahawak sa kaso ni Marcoleta.

“We cannot preempt. Korte ito eh… Sandigan is a court. So we cannot preempt kung ano yung kanyang gagawin o ano yung kanyang magiging desisyon,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Gatchalian na may pagkakataon pa si Marcoleta na ipagtanggol ang kanyang sarili sa korte.

“Very sensitive ito. Ang status ngayon ay si Senator Marcoleta ay merong opportunity na magbigay ng kanyang defense at magpaliwanag sa korte… Ito ang ating judicial process,” aniya.

Noong Biyernes, nagsampa ang Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban kay Marcoleta at tatlo pang iba kaugnay ng umano’y P75 milyong hindi idineklarang campaign contributions para sa kanyang kandidatura noong 2025. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here