Home METRO Sunog sa Tondo, tinatayang P300K ari-arian natupok

Sunog sa Tondo, tinatayang P300K ari-arian natupok

3
0

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), 6:05 ng hapon ng nagsimula ang sunog.

Makalipas ang limang minuto ay inakyat sa unang alarma ang sunog.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), unang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay sa Mercado St., kanto ng Dagupan St., Barangay 50, Tondo, Maynila na pag-aari ni Ginang Ester Lansang.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero, labindalawang bahay lamang ang nadamay sa sunog na idineklarang fire out bandang 7:16 ng gabi.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng pagsiklab ng apoy kung wala namang iniulat na nasaktan insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here