Home NATIONWIDE VP Sara impeachment trial, simula na ngayong Hulyo 6

VP Sara impeachment trial, simula na ngayong Hulyo 6

6
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang simulan ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte alas-2 ng hapon ngayong Lunes, Hulyo 6, 2026, sa pag-upo nito bilang impeachment court sa prosesong maaaring magtakda kung mananatili siya sa puwesto.

Inatasan si Duterte na humarap nang personal o sa pamamagitan ng kanyang legal counsel matapos maglabas ng summons ang mga senador noong nakaraang linggo. Inaasahang pormal na ihaharap ng House prosecutors ang Articles of Impeachment, habang inaasahan namang mag-e-enter of appearance ang legal team ni Duterte sa harap ng korte.

Inaasahan ding itatakda ng mga senador ang rules at timetable ng paglilitis, kabilang ang deadlines para sa pleadings at presentation of evidence.

Na-impeach si Duterte ng House of Representatives dahil sa mga alegasyong kinabibilangan ng misuse of confidential and intelligence funds, unexplained wealth, at betrayal of public trust. Itinanggi niya ang anumang wrongdoing at inilarawan ang impeachment case bilang politically motivated.

Sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo na dapat dumalo si Duterte sa kanyang impeachment trial.

“The accused can answer directly, not through secondary channels, not through the lawyers. If the accused can respond directly, of course, the process will become clearer and easier,” ani Marcos.

Hinimok din ni Senate President Sherwin Gatchalian ang publiko na subaybayan ang proceedings upang matiyak ang accountability, habang sinabing ipaliliwanag ng Senate impeachment court ang proseso sa paraang madaling maunawaan ng taumbayan.

“As much as possible, i-laymanize natin ’yung gagawin nating simple at maintindihan ng taong-bayan ’ yung proseso dahil ginagawa natin ito para sa kanila para maintindihan nila,” ani Gatchalian.

Inaasahang magpe-presenta ang House prosecution panel ng mga opisyal mula sa National Bureau of Investigation at House of Representatives bilang ilan sa mga unang testigo. Sa manifestation na may petsang Hulyo 3, kabilang sa nakalinyang iharap mula Hulyo 6 hanggang 8 sina Atty. Jeremy Lotoc, NBI-BARMM regional director; John Mark Calilung, senior agent ng NBI Cyber Investigation and Assessment Center; at Capt. Belinda Bello, executive director ng House Legislative Security Bureau.

Inaasahang tetestigo sila sa Impeachment Article I, na tumatalakay sa umano’y grave threat at assassination plot laban kay President Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at former House Speaker Martin Romualdez.

Mahigit 6,000 pulis naman ang ipakakalat sa paligid ng Senado upang tiyakin ang seguridad sa panahon ng impeachment trial, ayon sa Philippine National Police-National Capital Region Police Office. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here