Home HOME BANNER STORY #WalangTubig sa ilang lugar sa MM, Bulacan

#WalangTubig sa ilang lugar sa MM, Bulacan

1
0

MANILA, Philippines – Makakaranas ng naka-iskedyul na water service interruptions ang ilang lugar sa Metro Manila at karatig-probinsya mula Hulyo 6 hanggang 13 dahil sa maintenance activities ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water.

Sa abiso, sinabi ng Maynilad Water Services Inc. na isasagawa ang maintenance work upang mapanatiling “safe, reliable, and in good condition” ang water distribution system nito.

“We advise affected customers to store enough water ahead of the scheduled interruption. Once service is restored, let the water run briefly from your faucet until it clears,” ayon sa Maynilad.

Sa Quezon City, mawawalan ng tubig mula alas-10 ng gabi ng Hulyo 6 hanggang alas-6 ng umaga ng Hulyo 7 sa Barangays Bagbag, San Bartolome, at Talipapa; mula alas-10 ng gabi ng Hulyo 7 hanggang alas-6 ng umaga ng Hulyo 8 sa Barangay Apolonio Samson; mula Hulyo 8 hanggang 10, alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga araw-araw, sa Barangay Gulod; mula alas-10 ng gabi ng Hulyo 10 hanggang alas-6 ng umaga ng Hulyo 11 sa Barangay Sauyo; mula alas-10 ng gabi ng Hulyo 11 hanggang alas-6 ng umaga ng Hulyo 12 sa Barangays Bagbag, Nagkaisang Nayon, at San Bartolome; at mula alas-10 ng gabi ng Hulyo 12 hanggang alas-6 ng umaga ng Hulyo 13 sa Barangays Gulod at Sta. Monica.

Sa Valenzuela City, ipatutupad ang water interruption mula Hulyo 6 hanggang 10, alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-4 ng madaling araw araw-araw, sa Barangays Gen. T. De Leon at Parada. May hiwalay ding water interruption mula alas-10 ng gabi ng Hulyo 7 hanggang alas-5 ng umaga ng Hulyo 8 sa Barangays Arkong Bato, Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Isla, Mabolo, Malanday, Malinta, Maysan, Palasan, Pariancillo Villa, Pasolo, Poblacion, Polo, Rincon, Tagalag, Viente Reales, at Wawang Pulo.

Sa Obando, Bulacan, makakaranas ng water interruption ang Barangay Paco mula alas-10 ng gabi ng Hulyo 7 hanggang alas-5 ng umaga ng Hulyo 8.

Samantala, sa hiwalay na abiso ng Manila Water, makakaranas din ng water interruption ang ilang bahagi ng Barangay San Jose sa Antipolo, Rizal mula alas-10 ng gabi ng Hulyo 7 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Hulyo 8. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here