Home NATIONWIDE Digong admin, diretyahang sinisi ni PBBM sa kawalang-aksyon sa flood control scam

Digong admin, diretyahang sinisi ni PBBM sa kawalang-aksyon sa flood control scam

3
0

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, tuwirang sinisi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa umano’y kawalan ng aksyon laban sa maanomalyang flood control projects noong panahon ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Marcos, ito ang dahilan kung bakit nililinis ngayon ng kanyang administrasyon ang malawakang corruption scandal na kinasasangkutan umano ng mga kontratista, ilang mambabatas, at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos sagutin ang mga kritiko na nagsasabing mabagal ang imbestigasyon at umiiral umano ang selective justice sa paghabol sa mga sangkot sa flood control controversy.

Sinabi ni Marcos na isiniwalat niya ang usapin sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address noong Hulyo ng nakaraang taon upang isapubliko ang umano’y kawalan ng aksyon ng dating administrasyon sa multibillion-peso scheme.

Hayagan ding pinuna ni Marcos si Duterte dahil sa umano’y hindi pagkilos laban sa ghost flood control projects ng DPWH, kahit batid umano nito ang “great problems” sa pagsisimula pa lamang ng kanyang termino.

“But nothing happened. Having acknowledged it, he did not find accountability in anybody. So I guess that was left up [for] me to do,” ayon sa Pangulo.

“I’m the one who exposed all of this. And I’m the only one who has started doing something about it,” anito.

“Did previous presidents do something like this? Did you see any of them put anyone in jail? Did they freeze accounts? Did they conduct investigations? There were none. It only happened under me,”dagdag na pahayag ng Pangulo.

Kinuwestiyon din ni Marcos ang mga grupo at indibidwal na nag-aakusa sa kanya na nasa likod ng flood control mess.

“If that were really my racket, why would I ruin it in the first place? That makes absolutely no sense,” ani Pangulong Marcos.

Pinabulaanan din ng Pangulo na selective justice ang ginagawa ng kanyang administrasyon, at sinabing ebidensya ang sinusunod sa paghabol sa mga sangkot.

“From the time we formed the independent commission, I said we’ll just follow the evidence, and we’ll continue to do that,” ayon sa Pangulo.

Ayon kay Marcos, hindi pa tapos ang pamahalaan sa paghabol sa mga taong sangkot sa flood control scandal at dapat silang papanagutin.

“I cannot say that we have done enough because we are not done yet. Unfortunately, the more we look, the more we find. And it is already going back beyond my administration, beyond my term,” ayon sa Pangulo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here