Home METRO 4 timbog sa P2.6M puslit na yosi sa NegOr

4 timbog sa P2.6M puslit na yosi sa NegOr

3
0

MANILA, Philippines – Arestado ang apat na lalaki matapos makumpiska ng pulisya ang nasa P2.6 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa Vallehermoso, Negros Oriental nitong Sabado, Hulyo 4.

Ayon kay Capt. Stephen Polinar, spokesperson ng Negros Oriental Police Provincial Office, sakay ng dalawang sasakyan ang mga suspek nang maging subject ng operasyon matapos makatanggap ang pulisya ng impormasyon na umano’y nagdadala sila ng smuggled cigarettes.

“The suspects were travelling from Guihulngan City to Vallehermoso when the police received the tip at around 3 a.m., prompting the setting up of checkpoints,” ani Polinar.

Sinabi ni Polinar na naaksidente sa magkahiwalay na lugar sa Vallehermoso ang dalawang sasakyan habang umano’y tinatangkang iwasan ang mga police blockade.

Nakarekober ang mga awtoridad ng kabuuang 29 master cases at 1,184 reams ng hinihinalang smuggled cigarettes mula sa mga crash site.

Isa sa mga sasakyan ang nawalan umano ng kontrol sa Barangay Puan, dahilan para tumilapon mula sa sasakyan ang ilang master cases at reams ng sigarilyo. Tinulungan ng emergency responders na mailabas ang driver, habang inaresto naman sa lugar ang pasahero nito.

Sa Barangay Molobolo, bumangga naman sa roadside railings ang isa pang sasakyan, na nagresulta sa pagkasugat ng driver at pasahero nito.

Dinala ang apat na suspek sa Vallehermoso Rural Health Unit. Dalawa sa kanila ay mula sa Misamis Oriental, isa mula sa Lanao del Sur, at isa mula sa Escalante City, Negros Occidental.

Nasa kustodiya na ng Vallehermoso police ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here