Ihihinto na ng Sony Interactive Entertainment ang paggawa ng disc editions ng mga bagong PlayStation games simula Enero 2028, kaya magiging available na lamang sa downloadable versions ang lahat ng bagong titulo.
Tatapusin ng hakbang na ito ang produksyon ng PlayStation game discs, 33 taon matapos unang ilunsad ang orihinal na console noong Disyembre 1994.
Nilinaw ng gaming unit ng Sony Group Corp. na hindi maaapektuhan ng desisyon ang mga larong kasalukuyan nang ibinebenta.
Ayon sa Sony Interactive Entertainment, mas mataas na ang demand para sa downloadable versions kumpara sa discs, kaya nagdesisyon ang kumpanya na ihinto ang disc production bunsod ng pagbabago sa customer trends at market conditions.
Sa fiscal year na nagtapos noong Marso, umabot na lamang sa 5 porsyento ng JPY2.64 trillion game software revenue ng kumpanya ang mula sa game disc sales.
Ang PlayStation 5, na inilunsad noong 2020, ay mayroon nang modelong walang disc drive. RNT